Wednesday, February 25, 2009

Ang Magandang Epekto ng Independent Films sa kasalukuyang Industriya ng Pelikulang Filipino

I. PANIMULA

A. Panukalang Pahayag

Maganda ang epekto ng Independent “Indie“ Films sa kasalukayang industriya ng pelikulang Pilipino sa Pilipinas.

B. Introduksyon

Ang grupong ito ay nagsaliksik ukol sa mga kagandahang naidudulot ng independent films sa kasalukuyan sa lipunan ng Pilipinas. Gustong malaman ng grupong ito ang mga rason kung bakit unti unting umuunlad ang mga “indie” na pelikula ngaun at kung bakit mas pumapatok na ito at mas nakakakuha ng maraming gantimpala dito at sa ibang bansa. Ang layunin ng grupong ito ay mabigyan ang mga tao ng mas malinaw na pananaw tungkol sa mga pelikulang Pilipino. Sa mga susunod na pahina ipapakita ang mga rason at ang mga nakalap naming impormasyon ukol sa pagunlang ng mga Independent na pelikula.

C. Rebyu

Ang pagsasagawa ng mga indie films na ito ay di hamak na mas mura kaysa sa mga pelikulang isinasagawa noon. Maliit na budget para sa mga kagamitan, talent fee at sa kabuuang pelikula. Sa mga pelikulang ito ay maari tayong makakuha ng mga bagong ideya na makakatulong sa kalagayan ng industriya ng pelikula ayon kay butch Francisco kung ano ang dapat gawin ang mga posibilidad kung bakit humihina o lumalakas, gumaganda ang mga pelikulang nagawa. Sa perang iyon kikitain, kundi ang pagmamahal at sa kagustuhan mong mapaganda at mapagmalaki ang iyong likha ayon kay Maridol Ranoa-Bismark.

Sa mga indie films kadalasang bida sila Epi Quizon, Yul Servo at ang mangilan-ngilan pang artista ayon kay Lec. Ang talent at galling ng ibang artista ay nasasayang sa tradisyunal na pag-arte. Ang Cinemalaya Festival ay lugar na manghihikayot sa mga bagong artista na hindi lamang manatili sa tradisyunal na pag-arte, ngunit mas palawigin pa ang mundong ito sa galling at makalikha ng pag iisip sa larangan ng pag-arte at palikulang kaaya-aya, bagong ideya at angkop sa kasalukuyang panahon ayon kay Butch Francisco

Ang mahalaga ay nakikipagsabayan na ang pelikulang Pilipino tradisyon at panahon. Ang pagsasagawa ng mga bagong ideya na angkop at kaya-aya sa panlasa ng makabagong Pinoy. Ang Cinemalaya Film Fest ay di lamang sa pagbabagong anyo ng pelikula, kundi ang pinagsanib sa lakas at talent ng manlilikha nito. Mabuti naman at mainit ang pagtanggap ng mga tao ditto, ngunit sana’y magtagal at tuluyan nang yakapin ang makabagong anyo ng pelikula na ito. Ang paglabas ng Indie Film ay isang pag-gising o maging kamulatan sa estado ng pelikulang Pilipino ang sabi ni Ed Lejano



D. Layunin

Ang mga mananaliksik ay naghahangad na makapagbigay-kaalaman sa importansiya ng mga idependiyenteng mga pelikula sa ating bansa. Sa malamang nga ay may mga tao nang may alam tungkol sa paksang ito pero hinhangad pa ng mga mananaliksik ang pagpapalawak nito. Sa pagpapalawak ng paksang ito, maraming aspeto sa ating lipunan ang maipapaunawa sa mga magbabasa nito.


Ang isa sa layunin ng pananaliksik ay makatulong sa pagpapalawak ng pagtangkalik ng mga Pilipino sa pelikulang gawa ng kapwa nilang Pilipino. Malaki din ang maitutulong ng pananaliksik nito sa lalu pang pagpapaunawa ng kultura ng Pilipinas sa mamamayang Pilipino. Sa kadahilanang karaniwan sa mga ginagawang independiyenteng pelikula ay tungkol sa mga makasaysayang kultura ng Pilipinas. At dahil sa pananaliksik na ito, na nagpapaalala sa impotrtansiya ng indipendiyenteng mga pelikula, lalu pang pagtutuunan ng pansin ang mga ganitong klase ng pelikula.


Makakatawag-pansin at makakapaghikayat pa ito ng mga tao upang ipakita ang sariling talento sa sining, partikular na sa paggawa ng pelikula. Sa mga resulta at pamamaraang ito maabot ang mga maaring maabot ng mga mananaliksik, iisa lamang ang sinasagisag nito. Ito ang pagsisikap upang mailahad ang importansiya ng isang malaking aspeto na posibleng magpabago ng takbo ng pamumuhay ng mamamayang Pilipino. Maaring maliit o simple lamang na bagay, ngunit kung palalawakin ang pag-iisip, makikita at hindi natin aakalain na sobra itong dapat pahalagahan. Isang halimbawa nito ay sa pamamaraan tulad ng sa sangay ng produksyon, sa ating pagtangkilik sa kulturang Pilipino mgakakaroon tayo ng malaking tiwala sa ating mga kakayahan at mga talento. At dahil dito, mapapalawig natin ang ating pagiging mga produktibo, na malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng ating bansa. Simple, ngunit isa na palang paraan upang mabago at mapabuti ang pamumuhay ng bawat Pilipino.


E. Halaga

Ang pananaliksik na ito ay nagpapatungkol sa magandang epekto ng Independent “Indie” Films sa kasalukuyang industruya ng Pelikulang Filipino. Sa panahon ngayon, kung saan kasalukuyan ng nakikilala at sumisikat ang independent films sa industriya ng pelikula sa ating bansa, ang pananaliksik na ito ang magpapaliwanag kung maganda nga ba ang nadudulot ng mga pelikula at sa paanong paraan ito nagpapaganda.


Mapapansin rin na ang mga Independent Films ang siya pang nakukuha ng mga pang-International na parangal sa iba’t ibang sulok ng mundo. Ang pananaliksik na ito ang magbibigay sagot kung maganda ba ang nagiging epekto ng mga pangyayaring iyon sa ating bansa at sa industriya ng pelikula.


Maaring kasagutan ang pananaliksik na ito sa mga problemang hinaharap ng mga taong malikhain ang isip at magaling sumulat ngunit hindi naipapakita ang likas na talento, matutulungan silang ipakita ang kanilang kakayahan at maeengayong gawin ang kanilang mga sinulat sa pelikula o palabas.


Ang mga kabataan at mga bagong nagtapos ng kursong cinematograpiya o ano mang kursong may kinalaman sa media ay mabibigyan ng inspirasyon sa paglikha ng pelikula dahil ang mga independent films ay maaring magpabago ng kasalukuyang industriya ng pelikula sa Pilipinas.


F. Konseptuwal o Teoretikal na Balangkas



Ang mga Indie films ay nagbibigay ng magandang epekto sa industriya ng pelikulang Pilipino at makikita ito sa ating nakaraan. Kung ating babalikan ang ating kasaysayan, marami ang napagdaanan ng pelikulang Pilipino na siyang nagbigay daan sa mga pelikula ngayon. Ang mga tauhan sa likod nito, tulad ng direktor, producer, scriptwriters at iba pa, ang gumagawa at nagpapalabas ng mga pelikula sa sinehan. Ito ay magiging inspirasyon sa mga manonood at ang iba’y maghahangad na rin gumawa ng sarili nilang indie film. Sa pagdaan ng panahon, itoy’y magkakaroon ng ‘modern touch’ at ito rin ay makakakamit ng mga parangal dahil ito ay bukas sa buong mundo. Maaapektohan nito ang ating kasaysayan at pati na rin ang industriya ng pelikulang Pilipino.

G. Metodolohiya

Mga Pagkukunan ng Datos:

· Libro

· Magazines

· Internet

Ang mga mananaliksik ay magsisimula sa paghahalughog ng iba’t ibang impormasyon ukol sa nasabing paksa. Gagamitin nila ang prosesong interview sa mga Independent Film makers at mga rebyuwer ng mga pelikula. Gamit ang pagmamasid, makikipanayam ang mga mananaliksik sa mga taong tumatangkilik ng Independent Films.


H. Saklaw at Delimitasyon


Ang pakay ng pananaliksik na ito ay ang malaman kung maganda ba ang nagiging epekto ng Independent “indie” films na gawang FIlipino sa kasalukuyang industriya ng pelikulang sa Pilipinas. Ang mga aspektong tinignan at binigyang pansin ay ang pagdami ng produksyon ng mga Indie Films sa bansa, ang posibilidad na pagbabagong magaganap sa kasalukuyang industriya ng pelikula, ang madalas na pagtangi ng mga international na prangal ng mga Indie films gawa ng mga Filipino, ang kaukulang gawain para mapalaganap pa ang mga ito at ang magandang epekto nito sa industriya.


I. Daloy ng Pag-aaral


Ang mga Independent Films ay mga pelikulang hango sa mga pagababagong nais maganap ng mga kabataan sa industriya ng pelikula. Ang pagbabahagi ng kanilang kaalaman at husay sa paglikha ng ideya, storya at pelikula ay magdudulot ng paglawak ng karunungan sa pagkagawa ng pelikula. Dahil unti-unting nakikilala ang mga Independent Films hindi maiiwasan na ito’y mawalan ng epekto sa kasalukuyang industriya ng pelikula. May epekto itong maidudulot, maganda man o masama. Ang pokus ng pananaliksik ay ang magagandang epekto nito sa industriya ngayon. Layunin ng pananaliksik na makilala ng mga Pilipino ang anking giling, husay at talento sa pagkagawa ng pelikula, sa pamamagitan ng paglalahad ng mga magagandang epekto nito, posibleng tangkilikin pa ng marami ang mga Indie Films.


Ang pananaliksik ay nakakatulong sa mga taong may natatagong galing sa pagsulat, dahil maeenganyo silang sumulat ng magigigliw na kwento at gawing pelikula. Gamit ang theoryang modernismo, ikinukumpara ang pananaliksik sa kasalukayan at ang mga pagbabagong maaring maganap sa pagdaloy ng panahon. Gagamitin ng mga mananaliksik ang prosesong pakikipanayam, sa pangongolekta ng datos ukol sa paksa.


Kasama sa pananaliksik ang kasaysayan ng Independent Films ngunit hindi bibigyan ng malaking pansn ang mga Film-makers at ang iba’t ibang tiyak na Independent Films. Magiging pangkalahatan ang kukuning epekto nito sa industriya.


II. KATAWAN

  1. Small Panimula

Ang mga mamamayang Pilipino ngayon ay masyado nang mapili lalung-lalo na pagdating sa industriya ng pelikula. Ang pangkaraniwan nang usapin ukol dito ay ang kumpetisyon sa pagitan ng mga banyagang pelikula laban sa sarili nating mga pelikula. Nagkakaroon ng pagkakasapawan na dumedepende sa popularidad ng isang pelikula at sa interes ng mga manunuod nito. Ngunit yan ay kabilang pa lamng sa malaking parte ng mga problema sa industriya ng pelikula. Mayroon pang mas hindi napapansin na problema at mas kinakailangang bigyan pansin. Problema ng pagkakasapawan din ngunit sa pagkakataong ito ay pelikulang Pilipino laban sa kapwa pelikulang Pilipino. Ito ay ang pagtangkilik ng mga tao sa mas sikat na mga pelikula na nakakapagbigay-aliw, kahit walang saysay o aral, kaysa sa mga maliliit na pelikula na kahit hindi ganoon kasikat, kahit hindi ginastusan, o kahit hindi man lang ganoon kagandahan, ito naman ay punong-puno ng aral at katuturan. Bakit nga ba ang usaping ito ay kinikilala na bilang isang problemang pambansa? Anu- ano nga ba ang mga sanhi at bunga nito sa bayan kung ito ay ating tatangkilikin o hindi tatangkilikin?

  1. Small Katawan

Ang mga mananaliksik ay naginterbyu ng isang mangangatha at direktor na si ginoong Raz Sobida de la Torre. Siya ay kasalukuyang estudyante ng MA filmmaking sa London Film School. Nagtapos siya ng Broadcast Communication sa Universidad ng Pilipinas, Diliman. Bagaman ang kanyang kurso ay mas nakatakda para sa médium na televisión at radyo, siya ay nagsimulang magkaroon ng pagtangkilik sa bisual na pagkukuwento.


Nasa ikalawang taon pa lamang siya ng kanyang pag-aaral sa Universidad ng Pilipians ng maiisip niyang bumalik sa kanyang unang interes, ang mass media. Ipinadala niya ang kanyang resume sa ABS-CBN Film Productions Inc. (Star Cinema) at inalok nila siya na magtrabaho bilang isang trainee writer sa kanilang Creative Department. Madalas sa hindi, karaniwang sitwasyon o kwento ang nagiging basehan ng kanyang mga pelikula, maging indipendent o mainstream man ito. Ang kanyang maikling pelikula na “Labada” na kanyang isinulat at idinirehe base sa kanyang dokumentaryo na kanyang napanood sa programang, “The Correspondents”. Nang isinulat niya ito, nadagdagan ito ng detalye mula sa mga sarili niyang pananaw at obserbasyon ng mga karakter na sa kalaunan ay siyang inilarawan sa nasabing pelikula.


Ayon kay ginoong Raz , ang pangunahing dahilan ng pagdami ng produksyon ng mga indie films sa Pilipinas ay ang aksesibilidad o accessibility ng teknolohiya upang makagawa ng pelikula. Hindi tulad noon, mas mura at mahalaga ang paggawa ng pelikula dahil sa mga digital cameras na maaaring rentahan o bilhin. Kailan man ay di naging kapos sa abilidad at talento ang mga Pilipino. Kung dati ay mahal ang paggawa ng mga pelikula, ngayon naman ay mas madali nang makagawa ng pelikula sa mas maliit na halaga. Sa kasalukuyang panahon, madali ring makahanap ng mga taong interesadong tumulong sa mga manunulat at direktor upang isabuhay ang kanilang mga kwento di lamang dahil maraming tao ang may angking kakayahan, ngunit dahil na rin marami ang nagnanais na makapasok sa industriya.


Ang pinakamadaling paraan upang mapalaganap ang independent films ay ang pagsuporta dito sa pamamagitan ng pagtangkilik at panonood. Mas lalawig ang interes ng mga producer, manonood, at mga mangangalakal kung makikita nilang may interes ang mga tao sa pelikulang gawa sa Pilipinas. Maganda ang impluwensya ng pelikulang independent sa industriya dahil nagkakaroon ng pagkakataong maisa-pelikula ang mga istoryang di karaniwan. Maging ang mga artistang hindi gaanong lumalabas sa telebisyon ay nakikilala rin.Napaparami rin ng independent movement ang bilang ng ating pelikula bawat taon. Bagaman paunti-unti, nagiging competitive ang pelikulang Pilipino sa mga pelikulang gawa sa ibang bansa.


Inaasahan ni ginoong Raz na magsimula nang sumugal ang mga malalaking produser ng pelikula sa istoryang di karaniwan at mga talentong di gaanong sikat dahil sa pagpatok ng mg Independent films.


Naisipan ni Ginoong Raz Sobia na magdirek at magproduce ng isang indie film kung saan naman ay isa siya sa mga kinikilalang writer ng mga pumapatok na pelikula sa sinehan tulad ng: Agent x44, A very Special Love, You Got Me!, You Are the One, dahil nang gawin niya ang “Labada,” ito ay dahil ang naisip niyang kwento ay hindi siyang tulad ng mga pelikulang pino-prodyus ng kanyang kumpanya, ang Star Cinema. Dahil mainstream ang Star Cinema, hindi lahat ng uri ng istorya ay kanilang ginagawa. May prinsipyo ang Star Cinema na ang mga pelikulang gawa nila ay dapat nagbibigay ng mabuting asal o nagpapalaganap ng mga kaugaliang Pilipino. Magandang layunin ito, ngunit minsan, ito rin ang nagiging dahilan kung bakit may mga uri ng pelikulang kailanman ay hindi ginagawa ng Star Cinema.Hindi ito pagpula sa Star Cinema. Ang ganitong sistema ay normal lamang sa industriya.

Kasabay sa pag-unlad ng panahon ang pag-unlad din ng pelikulang Pilipino. Ang mga tema ng pelikulang independe ay naiiba kumpara sa mga pelikula sa mainstream. Dahil dito, madaling napapansin kaya nakakatanggap ito ng mga parangal. Dahil din sa kaibahan nito kung kaya’y masnakakaakit itong panoorin.


Ang mga karanasan ni Raz ay magandang halimbawa na maaaring makapagbigay pugay ang kahit sino. Ang mga payo niya sa mga nais maging director o direktor ng potograpiya ay na ‘wag silang matakot sumubok. Sabi niya nga’y, “Hindi sila mahahasa kung hindi sila magsasanay at magkakamali. Kung may pagkakataong mag-aral, huwag nila itong palampasin. Walang masama sa karagdagang kaalaman, maging sa paaralan man ito, sa internet, o sa sarili nilang pananaliksik. Ang importante ay maging bukas sila sa lahat ng uri ng sining at impluwensya.”


“Mahalaga na ipakita o ipapanood ang kanilang mga likha at matuto silang makinig sa opinyon kanilang manonood o mambabasa.” Siya ay naniniwala na dapat matuto ang mga nagnanais pumasok sa ganitong industriya na makinig sa iba’t ibang opinion ng iba at malaman ang kanilang impresyon tungkol sa kanilang nalikha. Ito ang paraan upang mahasa ang kanilang kakayahan.


III. PANGWAKAS


  1. Small Pangwakas

Kapansin pansin ngayon na lalong nakikilala at umuusbong ang mga Inpedendent “Indie” Films sa bansa. Ayon sa mga datos na nakalap sa pakikipanayam ng mga mananaliksik sa direktor ng isang Indie Film, sinasabi na dahil sa aksesibilidad o accessibility ng teknolohiya upang makagawa ng pelikula. Sadya ngang malikhain ang mga Pilipino, gumagawa na iba’t ibang paraan para maipakita ang anking talento o galing. Kahit mga estudyante ngayon ay nakahihiligan na ang mga ito. Sa industriya ng pelikula, lalong dumadami ang mga taong nakahihiligan ito. At dahil nga ngayong panahon ay may madali na ang aksesibilidad ng teknolohiya at mas mura, natural na dadami ang gumagawa ng pelikula at nagagawang pelikula.

Kung saan ngayon ay dumadami ang produksyon, may nagiging epekto ito sa kasalukuyang industriya ng pelikula. At dahil na rin na ang pagiging malikhain ng mga Pilipino nailalabas nila ang mga kakaibang kwento at isinasagawang pelikula na nakatatangi ng panginternasyonal na parangal. Dahil sa di pangkaraniwan ang istorya ng mga kwento ito ay nakakaenganyo at nakakaakit na panoorin.

Ang pagpapalaganap ng independent films ay mahalaga sa bansa dahil ito’y isang paraan ng pagpapakilala sa mundo na ang Pilipinas ay may kakayahang gumawa ng mga pelikulang kaakit akit at magaganda ang tema at kwento. Ang pagtangkilik pa lamang ng sariling atin ay tumutulong sa pagkilala ng Indie Films sa bansa.

Mura ang pagsasagawa ng Independent Films kaya maliit lamang nag nagagstos sa produksiyon nito. Kaya ang mga artista o mga tagapaganap ay ang mga taong hindi masyadong kilala pero may kakayahan at magaling rin naman umarte. At ang mga organisasyon na tumutulong at kumikilala ditto ay dumarami dahil sa pagrami na rin ng mga taong pumapasok sa industriya ta nakakagawa ng mga di-karaniwang istorya na isinasapelikula.

  1. Kongklusyon

Nakakatulong ito dahil pinapanatili ng buhay ng industriya ng pelikula. Dito din naipapakita ang mga bagong ideya ng direktor, produser at maging ng mga Artista sa istorya, istilo at maging sa pag-arteng kanilang ginagawa. Sa kasalukuyang estado ng pelikulang Pilipino, indie films ang nangingibabaw dahil “Low Budgeted films” ang mga ito. Ngunit ang dekalidad ng mga pelikulang ito’y nglalahad ng totoong pangangyari sa mga buhay ng tao na di kayang maipalabas ng ibang pelikula. Ang indie film ay naglalabas lamang ng katotohanan hango sa karanasan ng buhay. Upang sa ganon mamulat ang mga tao sa realidad at maliwanagan sa pangyayari noon at sa kasalukuyan. Para sa mga taong my aking galing gumawa at magsulat dapat sila ay marunong tumanggap ng iba’t-ibang reaksyon base sa kanilang nilikha, dahilan na dito lang sila mahahasa ng lubusan.

  1. Rekomendasyon

Ang muling pagbangon ng mga independent na pelikula ay dahil sa mga taong may bukas na kaisipan na sumosoporta sa mga ganoong klase ng pelikula. Ito ay nakabubuti sa ating bansa at kahit na sa maliit na mga bagay kagaya ng pagsusuporta sa mga indie films tayo ay nagkakaisa at nagtutulong tulong. Kung ipagpapatuloy ng mga tao ang pagsuporta ito malamang lalago pa ang industriyang ito. Ang mga independent na pelikula ay nagbibigay ng mga pagkakataon para maipalabas ang mga hindi karaniwang pelikula at nabibigyan din nito ang mga hindi madals na lumalabas sa telebisyon na mga aktor ng pagkakataong patunayan ang kanilang galing. Bagaman maliliit at paunti – unti lamang ang mga nailalabas taon taon, kahit papaano ito ay nakatutulong parin sa industriya ng pilipinas. Ang mga independent na pelikula ay nagiging boses o nagmumulat sa mga tao sa mga katotohanan na dinadala ng mga istorya nila, dahil mas kaunti ang mga bawal kumpara sa mga mainstream na pelikula, mas nailalalbas nila ang kanilang gusong iparating sa mga manonood. Dahil sa hindi pangkaraniwang istorya ng mga independent na palabas ang mga tao ay naiintriga at sa aming palagay mas maraming tao ang nakakaintindi o nakakaugnay dahil mas makatotohanan ang mga pangyayari sa mga indie films.


Ang mga independent na pelikula ay maganda para sa ating bansa at kung ipagpapatuloy lamang natin ang pagsuporta na ginawaga natin ngaun malamang ito ay mas uunlad pa, at mas rarami ang mga producer, writers na gaganahang magsulat dahil nakikita nila na ito ay bumibenta sa mga tao. Hindi lamang ang industriya ng pelikula ang uunlad kung hindi pati narin ang Pilipinas, kaya dapat talaga natin itong suportahan. Magtulong tulong ang mga Pilipino na iaangat ang mga Produkto na naggaling sa sariling bayan. Ang mairerekomenda ng grupong ito sa mga mambabasa ay tulungan sana natin ang industriyang Pilipino na maiangat ang ating mga dekalidad na “Indie films”. Matutong tangkilikin ang sariling atin.